"Tatag ng Kawayan"

     Madalas maihalintulad sa Kawayan ang buhay ng tao. Ilang ulan at malakas na hangin man ang dumaan, babalik at babalik parin ito sa dati nitong postura. Bahagyang naapektuhan ngunit matibay parin ang pagkakakapit ng mga ugat sa lupang tinubuan. Minsan ng ikinumpara sa isang bagay na sagabal sa paningin at walang saysay ang presensya ngunit dumating ang panahon na ito ay kinailangan ng nakararami. Nagsilbing silungan ng mga pamilya at kasangkapan sa tahanan ng marami. Ito ang buhay ng kawayang kadalasan ay napapansin lamang kapag ito ay kinakailangan.

     Ang buo nyang pangalan ay Manilou Abella Mercado. Bunso sa limang bunga ng pagmamahalan nina Marcelo at Milagros Mercado. Isinilang sa lungsod ng mga bulaklak sa Zamboanga del Sur noong ika-15 ng Agosto 1997. Lumaki syang may takot sa dakilang lumikha, butiki, ahas, lasing na naghuhurumintado at sa pinutol na sanga ng bayabas upang gawing pamalo. Nakahiligan nya na ang pagkanta ng wala sa tono, pagsayaw ng hindi kanais-nais sa paningin, pagtawa ng malakas na umaabot sa puntong maaari ng ipasok ang isang sanggol sa laki ng kanyang bibig, pagsulat ng mga kwento, tula at iba pang babasahin na wala namang mga saysay, panunood ng mga nakakayamot na palabas hanggang sa makatulog, pagkain ng Japanese Siomai kahit hindi naman sya Hapon at pagtulog sa kahit saang lugar maging sa banyo man.

     Hinubog ng edukasyon ang kanyang murang kaisipan sa Liberty Bible Baptist Church Cavite Baptist Academy, nagtapos ng elementarya sa Bayog Central Elementary School at sekondarya naman sa Bayog National High School bilang isa sa mga pinarangalan o kung sa ingles pa ay honor students.

Aakalain mong masaya ang buhay nya kapag kausap mo sya dahil wala kang mahihinuhang problema sa kanyang mukha. Ngunit sa likod ng kanyang abot tengang mga ngiti at nakakatawang pagmumukha ay makikita mong kabaliktaran pala ito ng lahat ng kanyang dinaranas.

     Iyak mula sa isang isip batang dalaga ang maririnig mo sa tuwing makakapasok ka sa kanyang silid na nagsisilbing lungga nya at ng kanyang mga hinaing sa buhay. Ilang beses na syang nasaktan ng mga taong nakapalibot sa kanya. Niloko ng mga taong kanyang pinagkakatiwalaan. Iniwan ng mga taong kanyang pinahalagahan. Kinainisan ng mga taong hindi nya malaman kung ano ang sa kanila’y kanyang ginawang kasalanan. Nasabihan na rin syang walang silbi ng taong itago nalang natin sa pangalang “Meme”. Sinabihang pangit at ilan pang mga salitang nakakasakit ng damdamin ng grupo ng mga kababaihang magaganda nga dahil gawa ng maykapal ngunit magdududa ka rin dahil ang kanilang mga ugali ay parang, alam mo na.

     Minsan na syang nagkamali sa buhay ngunit kinaya nyang bumangon sa pagkakalugmok at sa ngayon ito ang kanyang nagsisilbing inspirasyon upang manatili sa landas na inilaan ng maykapal sa kanya. Nagsikap at nagsisikap sya upang matupad ang pangarap na masuklian ang sakripisyo ng kanyang mga magulang. Isinantabi nya ang pangarap na maging abugado para kuhanin ang kasalukuyang kurso na pangarap ng kanyang ama para sa kanya na sa ngayon ay pinag-aaralan pa lamang nyang mahalin.

     Hindi ko na isasalaysay pa ang ibang detalye kung bakit ko inihahalintulad ang taong ito sa kawayan dahil hindi ako spoiler. Basta’t ang masasabi ko lamang ay kung ano man ang napagdaanan at pinagdaraanan nya noon at ngayon sa buhay, nakatayo at tatayo syang kasing tayog ng isang kawayang kasing tatag ng punong Nara kahit hindi man ito halata sa kanyang hitsura. Sisiguraduhin nyang walang bakas ng problema ang maaaninag sa kanyang mukha. Patuloy na magsasabi ng mga birong tila hindi naman biro dahil seryoso ang kanyang mukha kapag nagsasabi nito at ang kadalasang reaksyon at sinasabi lang naman ng mga sinasabihan nya nito ay panghuling biro nya na daw yun. Patuloy syang tatawa ng malakas para emphasize. Patuloy syang mag-iiwan ng pasa sa mga taong nakakatabi nya kapag syay nasusobrahan sa tuwa o kilig. Patuloy syang titingala sa makapangyarihang gumawa sa kanya at patuloy syang kakapit sa kanyang lupang tinubuan na ginagampanan ng kanyang mga pangarap sa hiram nyang buhay. 

View text
  • 3 days ago
View photo
  • #ulaw #lingaw
  • 1 week ago
View photo
  • 1 week ago
View photo
  • 2 weeks ago
View photo
  • 3 weeks ago
View photo
  • 3 weeks ago
View photo
  • 4 weeks ago
View photo
  • 1 month ago
View photo
  • 1 month ago

Ask me a question.

ask.fm/loumercado
View quote
  • 1 month ago
View photo
  • #tangkag
  • 1 month ago
View photo
  • 1 month ago
View photo
  • 2 months ago
View photo
  • 2 months ago
View photo
  • 4 months ago
x